Recent Posts
- Holiday Rush
- Switching to Minimals
- Fudge Truffle Cheesecake for the Hubs
- Japanese Style Fried Chicken
- Candy Land Cake
Categories
Archives
WifeSpeaks
My Feeds
Welcome Guests!
Meta
April 24, 2008
Para sa linggong ito ng LP na may temang “Hugis ay Parihaba”, pumili ako sa mga larawang kinunan ko sa Houston, Texas noong buwan ng Enero.
(For this week’s LP theme, “Rectangular/Elongated Shape”, I took my pick from the photos taken in Houston, Texas when we visited the city last January.)
![]()
Ito ang San Jacinto Monument, nakalista bilang pinakamataas na stone memorial sa buong mundo. Inalay ang memorial na ito para sa “Mga Bayani ng Battle of San Jacinto” at para sa mga taong nakipaglaban para sa kalayaan ng Texas. Mapapansing dalawa ang pahaba sa larawang ito…ang stone memorial at ang mahabang katubigan sa harap nito.)
(This is the San Jacinto Monument, listed as the world’ tallest stone memorial. This memorial is dedicated to the Heroes of the “Battle of San Jacinto” and everyone who contributed to the independence of Texas. There are two rectangular shaped subjecs in this photo…the stone memorial and the rectangular body of water in front of it.)
![]()
Ang San Jacinto Memorial sa malapitan.
(A closer look at the San Jacinto Memorial.)
![]()
Hindi kumpleto ang pagbisita sa Houston kung hindi pupunta sa NASA o Houston Space Center. Makikita sa larawan ang isang nakahigang space shuttle na matatagpuan sa isang gusali sa NASA at tampok na bahagi ng tram tour. Ito ay kuha mula sa likod ng space shuttle.
(A trip to Houston is not complete without a visit to NASA/Houston Space Center. In the photo is a space shuttle, which is housed in one of the buildings at the NASa grounds. It is a part of the tram tour. This photo was taken from behind the space shuttle.)
![]()
Ito naman ang kuha mula sa bandang harapan ng space shuttle.
(This is a photo taken from the front of the space shuttle.)
Sana’y naibigan ninyo ang mga nilahok kong litrato para sa linggong ito. Mabuhay! Bisitahin ang mga pahaba sa Dallas DITO.
(I hope you enjoyed my entry for this week. For Dallas rectangles, click HERE.)
23 Comments »
RSS feed for comments on this post. TrackBack URL



[...] DITO naman po ang mga pahaba sa Houston, Texas. [...]
Pingback by LP #4: Hugis ay Pahaba « Munchkin Mommy — April 24, 2008 @ 2:06 am
Nakakalula ang taas!
Ang ganda.
[Reply]
Comment by julie — April 24, 2008 @ 2:47 am
Aruu at dito ako gustong bitbitin ng asawa ko pag nagpunta daw kami ng Texas. Gustong gusto bumalik dyan eh…EB kami ni Abby ha?!
Ganda naman shots ng space shuttles, impressive!!
[Reply]
Comment by thess — April 24, 2008 @ 3:28 am
ayyy!! ang ganda ng mga litrato, at ang space shuttle.. naku..gusto ko rin siya makita ng malapitan!
[Reply]
Comment by cathy — April 24, 2008 @ 4:02 am
Ang taas nga niya! Naalala ko tuloy ang monumento ding ganyan dito sa may Quezon City Circle.
Magandang Huwebes sa iyo!
[Reply]
Comment by Buge — April 24, 2008 @ 4:55 am
uy pareho tayong nagkalkal sa baul this week ha.
buti na lang hindi ko napagbalingan ng pansin ang aking texas folder, kung hindi magsasabay pag-blast off ang ating mga rockets hehehe.
naibigan ko lahat ng pics! pero ang powerful naman ng lens ng camera mo at nakuha mo ng buo sa isang shot yung mataas ng monument ha. nice!
anyway, maligayang huwebes!
MyMemes: LP Pahaba
MyFinds: LP Pahaba
[Reply]
Comment by Meeya — April 24, 2008 @ 8:15 am
huwaw, ispeysh shattel:D Astiggg, gusto kong makakaita niyan. Waaaahm, hehehe. Texas ba kamo? Gusto ko na talaga pumunta, hehehe:D
[Reply]
Comment by komski kuno — April 24, 2008 @ 9:31 am
nice shots! memorabilia!
have a great day..
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/
[Reply]
Comment by yvelle — April 24, 2008 @ 10:15 am
huwaw. sana magkaroon ako ng pagkakataong makakita nito
[Reply]
Comment by nina — April 24, 2008 @ 2:06 pm
i mean, makita ito
[Reply]
Comment by nina — April 24, 2008 @ 2:06 pm
parehong akma sa tema at ang husay ng kuha mo sa mga larawan.
[Reply]
Comment by mousey — April 24, 2008 @ 3:26 pm
Gaganda ng mga lahok mo. Ang dami palang interesanteng lugar dyan.
Salamat sa pagdalaw sa LP ko. Hanggang sa susunod na linggo!
[Reply]
Comment by Joy — April 24, 2008 @ 4:04 pm
uy ganda naman ng stone monument, may reflection pool din…
[Reply]
Comment by lino — April 24, 2008 @ 4:56 pm
di ko ma-imagine paano ginawa ang stone monument na yan na napakataas.
[Reply]
Comment by Linnor — April 24, 2008 @ 6:04 pm
wow! ang haba!
magandang araw sa’yo!
[Reply]
Comment by lidie — April 24, 2008 @ 6:37 pm
nakaka-wow talaga ang mga kuha mo, salamat!!!
[Reply]
Comment by kaje — April 24, 2008 @ 7:24 pm
tunay ngang napakahaba! =)
salamat sa pagbisita sa site ko.
[Reply]
Comment by shutterhappy jenn — April 24, 2008 @ 8:38 pm
supercool! i was blown away by your piks ng saturn rockets.
[Reply]
Comment by kiwipino — April 25, 2008 @ 1:05 am
phallic symbol! wooohooo!
[Reply]
Comment by jen — April 25, 2008 @ 2:21 am
Ang taas nga nun monumento na yan! At ang saya naman dahil nakabisita ka na sa NASA! Wow!
Maligayang LP!
[Reply]
Comment by Grey — April 25, 2008 @ 7:23 am
may libre bang sakay sa space shuttle? trip to the moon! lolz happy weekend!
[Reply]
Comment by iRonnie — April 25, 2008 @ 12:32 pm
wow.. impressed ako.. kakaibang anggulo ito..
meron din ditong space shuttle(florida)pero hinde naman ako nakakakrating pa
happy weekend
[Reply]
Comment by rose — April 25, 2008 @ 5:56 pm
ang paborito ko naman ay ang mga space shuttle mong kuha. sana sa susunod na pasyal namin sa US ay makadaan kami ng texas!
have a good week!
*My LP 4 Entry*
[Reply]
Comment by christine — April 27, 2008 @ 6:26 am