June 2008
S M T W T F S
« May   Jul »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Recent Posts

Categories

Archives

WifeSpeaks

Wifespeaks

My Playgrounds

My Feeds

website counter Add to Technorati Favorites Photoblogs - Top Blogs Philippines

Featured Blogger

Welcome Guests!

Meta

June 12, 2008

Madalas na gamitin ang paglipad bilang sagisag ng kalayaan.  Sabi nga nila, “Freedom flies”.  Ngayon, ika-12 ng Hunyo ang tunay na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.  Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa.  Isang bansang malaya.  Sa kabila ng mga suliraning hinaharap ng aking sinilangang bansa, ayaw kong mawalan ng pag-asa.  Madali para sa iba ang sabihing tila hindi na makakaahon ang Pilipinas sa mga kinasasadlakan nitong problema.  Lalo na siguro kung matagal nang hindi nakapamuhay sa Pilipinas.  Ngunit para sa isang katulad kong isang taon pa lamang nawawalay sa aking bansa, lubos pa rin akong naniniwala’t umaasa na darating ang araw na daranas ang mga Pilipino ng tunay na kalayaan.  Muli rin tayong lilipad nang malaya.

Freedom is usually associated with flight.  As they say, “Freedom flies.”   Today, the 12th of June, is Philippine Independence Day.  The Philippines is a democracy.  It is a free country.  In spite of the problems that the country finds itself embroiled in, I refuse to lose hope.  It is easy for others to say that the country is just plain hopeless, specially if someone has been away for a long time already.  But for someone like me, who has only been away for a year, I continue to believe and remain hopeful that the day will come when we shall be truly free.  We will once again fly freely.

Isa pang LP DITO.  Maligayang araw ng Huwebes sa inyong lahat.

7 Comments »

  1. [...] isa pa akong lahok para sa LP DITO.  Maligayang Huwebes sa [...]

    Pingback by LP #11: Kalayaan « — June 12, 2008 @ 2:01 am

  2. Tama ka, Weng… kapag nawalan tayo ng pag-asa yun ang magiging umpisa ng pagkawala ng ating kalayaan.

    Happy LP!

    [Reply]

    Comment by Clicking Away — June 12, 2008 @ 6:46 am

  3. mahilig ako dyan … yan ang pangalan ng aking blog he he (plugging no!)

    happy lp!

    [Reply]

    Comment by teys — June 12, 2008 @ 9:10 am

  4. nawa’y mag-dilang anghel ka :)

    dapat talaga hindi tayo mawalan ng pag-asa para sa ating bayan dahil kapag tayo mismo na anak ng ating inang bayan ang mawawalan ng pagmamahal sa kanya, mas lalo siyang masasadlak sa hirap.

    ganda ng mensahe mo friend. :)

    [Reply]

    Comment by Meeya — June 12, 2008 @ 11:27 am

  5. Ang sarap nga siguro kung tayo’y nakakalipad! Ang sarap sumirko sirko sa langit na parang mga ibon at paru-paro!

    [Reply]

    Comment by toni — June 12, 2008 @ 11:30 am

  6. Sana nga may pag-asa pa, sana nga.

    [Reply]

    Comment by julie — June 12, 2008 @ 11:46 pm

  7. pessimist daw ako.. pero pagdating sa pag-asa ng pagbabago sa pilipinas, umaasa ako. in His proper time, weng. di ba? :)

    Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
    BusyMom: LP1 Kalayaan

    [Reply]

    Comment by christine — June 13, 2008 @ 7:34 am

RSS feed for comments on this post. TrackBack URL

Leave a comment

CommentLuv Enabled