Recent Posts
Categories
Archives
WifeSpeaks
My Playgrounds
My Feeds
Featured Blogger
Welcome Guests!
Meta
November 26, 2008

“In God’s time“, mga katagang lagi nating naririnig kapag tayo’y may hinihiling sa Diyos na kung maaari lamang ay ibigay na sana kaagad. Kakambal nito ang isa pang kataga: “Patience is a virtue”. At siya ngang totoo. Sa aming pananalig sa Diyos at pagtitiyaga, kami ay marami nang ulit na nagwawagi. Marami na sa aming panalangin ang nabigyang kasagutan.
Anim na taon na kaming kasal ng aking kabiyak at lima sa anim na taong iyon ay nakatira kami sa bahay ng aking ina. At sa limang taong din iyon, ipinpagamit sa amin ng aking ina ang isa niyang sasakyan. Kaya ganoon na lamang ang aming pasasalamat sa kaniya. Ngunit tulad ng marami, pangarap siyempre naming mag-asawa ang magkaroon ng sariling bahay at sariling sasakyan. Kasama palagi iyan sa aming mga panalangin.

Hindi namin inaasahan o pinlano ang mapunta ng Amerika. Mahigit isang taon na kami dito. At kahit kami’y nangungupahan pa laman sa kasalukuyan, itinuturing at inaalagaan namin ang aming bahay na parang kami na rin ang talagang nagmamayari nito. Umaasa kaming pag dating ng araw, bibiyayaan na rin kami ng Diyos ng aming sariling bahay.

Noong Abril, nakabili na kami ng aming unang sasakyan. Binili namin ang sasakyan (at hinuhulugan pa!) pero ang pakiramdam nami’y para kaming nagwagi sa isang patimpalak.
Sadyang napakabait ng Diyos sa amin. At kami nama’y talagang gayon na lang ang pasasalamat.
Isa pang lahok para sa LP DITO.
English translation:
“In God’s time”, a line we often hear when we’re asking for something from God. It’s a line, which is closely related to “Patience is a virtue”. And we know these to be true. We’ve always had strong faith in God and in His time, many of our prayers have been answered…bigger and better than we wished for. God always leave us feeling triumphant.
Hubby and I have been married for 6 years. Five of those years, we lived in my mom’s house. And in those five years, my mom lent us one of her cars. We will eternally be greatful for my mom’s kindness. Even if we had a house to live in and a car that took us everywhere, we still dreamed of having our very own home and our very own car.
We didn’t plan on moving to the US. We’ve been living in the US for more than a year now. Although we’re renting a townhouse, we treat and care for the house we live in, our home, as if it were our own. In God’s time, we know God will bless us with a house that we can truly call our own.
Last April, we bought our first car. We spent money on it and we continue to pay for it, yet, it feels as if we won the car.
God has always been very good to us. And we are ever so thankful.
oOo
One more proof of the truth behind the digital signage-worthy lines “God is good, all the time. All the time, God is good” can be found HERE, my other Litratong Pinoy entry.
15 Comments »
RSS feed for comments on this post. TrackBack URL


Yan din ang tatak ng wagi sa Hilagang Amerika, simbolo rin siya ng tunay na hirap na dinanas at pagtatagumpay sa lungkot, sa kutya at sa lamig (dito sa Toronto, oo, diyan sa Texas, ang kahihiyan ni George Bush) hahahah
[Reply]
Comment by Junnie — November 26, 2008 @ 12:10 pm
ang ganda ng haus!:) congratulations ulit sa lahat ng mga blessings na inyong tinatamasa…medyo masaya na rin ako at naabutan ng mama ko na kami ay may maayos na tahanan dito sa Boston at gaya mo mag-iisang taon palang din naming nabili ang sasakyan, sa 5 yrs namin dito sa Amerika ha..lagi kaming nag-train at lakad ng mama ko sa paglamyerda dahil d naman kailangan ng sasakyan sa NY noon, pero itong huli ay maligaya akong nasundo at hatid namin sila sa airport gamit ang sariling sasakyan, dati taxi lang o d kya sasakyan ng pinsan
spiCess last blog post..Litratong Pinoy: eulogy
[Reply]
Comment by spiCes — November 26, 2008 @ 12:13 pm
[...] #36: Steak ‘n ShakeLasang Pinoy, Sundays #24: Going GreenChristmas for Payatas M. MemoriesLP #35: Ang Pagwawagi (Triumph)WW #35: Poker Face?SpectrotelWindow Shopping for a LaptopCEO [...]
Pingback by Munchkin Mommy » Blog Archive » LP #35: Ang Pagwawagi — November 26, 2008 @ 12:19 pm
yes, in God’s time talaga lahat!
JOs last blog post..Wordless Wednesday: Falls
[Reply]
Comment by JO — November 26, 2008 @ 12:26 pm
what a love home, sis weng. you guys are truly blessed, wagi ever! mwaaah
NeLLs last blog post..Stuck Up
[Reply]
Comment by NeLL — November 26, 2008 @ 2:27 pm
I am so happy for you. Truly good things come to those who wait… and believe in faith! May every blessing be yours always! Mwah!
Pinkys last blog post..LP #35: Ang Pagwawagi
[Reply]
Comment by Pinky — November 26, 2008 @ 3:50 pm
congrats!!! hehe… magandang araw ng huwebes…
linos last blog post..ang pagwawagi…
[Reply]
Comment by lino — November 26, 2008 @ 4:43 pm
ganda ng haus nyo. congratulation
Jeanny
Ang aking Lahok
[Reply]
Comment by jeanny — November 26, 2008 @ 7:49 pm
malaking blessing din ang pagkakaroon ng mga kapamilyang handang tumulong habang nag-uumpisa pa kayo.
blessing si mommy.
Overflow
Captured Moments
Linnors last blog post..LP: Ang Pagwawagi (Triumph)
[Reply]
Comment by Linnor — November 26, 2008 @ 8:11 pm
totoo nga talaga…patience is a virtue. ilang maling desisyon na ba ang ating nagawa sa mga panahong di tayo makapaghintay? ang biyaya ay ibibigay talaga…it’s His promise.
luna mirandas last blog post..Wordless Wednesday: Purple
[Reply]
Comment by luna miranda — November 26, 2008 @ 8:55 pm
maligayang LP
check mo rin lahok ko:)
[Reply]
Comment by tanchi — November 26, 2008 @ 9:20 pm
Ako ay natutuwa sa mga biyayang dumarating sa inyo. Nawa ay sunod sunod na ito. Good luck!
Ang LP entry naming magkapatid ay makikita dito at dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!
ShutterHappyJenns last blog post..Pagwawagi (Triumph)
[Reply]
Comment by ShutterHappyJenn — November 26, 2008 @ 9:41 pm
winner ka talaga, weng…in all things! total package kumbaga ang naibigay sa inyong mag-anak. you are blessed a hundredfold because you are good people. bless you more!
Gracies last blog post..in a frenzy
[Reply]
Comment by Gracie — November 26, 2008 @ 10:06 pm
Congratulations! At sana patuloy pang dumating ang mga blessings sa inyo
Sreisaats last blog post..Fun and funky holiday frames from ZenniOptical
[Reply]
Comment by Sreisaat — November 27, 2008 @ 12:45 am
Wagi ka nga to have a wonderful mom…actually three generations ng wagi kayo!
G_mirages last blog post..Litratong Pinoy – Ang Pagwawagi
[Reply]
Comment by G_mirage — November 28, 2008 @ 5:47 pm