December 2008
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Recent Posts

Categories

Archives

WifeSpeaks

Wifespeaks

My Feeds

website counter Add to Technorati Favorites Photoblogs - Top Blogs Philippines

Welcome Guests!

Meta

December 3, 2008

Binisita kami ng aking ina noong isang taon at dumating siya isang araw makalipas ang Pasko.  Tandang-tanda ko pa na nang siya’y aming sunduin sa paliparan.  Natutulog noon si Abby habang karga ng kaniyang ama at sa kaniyang paggising, ang mukha ng kaniyang Mimi ang una niyang nakita.  Agad na napangiti si Abby sabay ang masayang pagsambit ng “Mimi!”.  Hindi kasi namin sinabi sa kaniya na ang kaniyang Mimi ang aming susunduin.

Kapuwa eksayted at sabik para sa isa’t isa ang aking ina at si Abby.  Kitang-kita naman sa ngiti nilang dalawa.

Kahit nang kami’y magtanghalian, sila ang magkatabi.

Pag dating sa bahay, hindi hiniwalayan ni Abby ang kaniyang Mimi.

Mas pinili pa nilang mahiga na lang sa living room kaysa umakyat sa kuwarto para magpahinga.

Hindi pa namin alam kung kailan ang eksaktong petsa ng aming muling pagkikita ng aking ina.  Ngunit nakakasiguro akong sa isang taon iyon.  Kung ipapahintulot ng Diyos ay hindi lang isang beses.  Iniisip ko pa lamang ay eksayted na ako, para sa aking sarili at para sa aming lahat.

Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: Eksayted sa Disneyland

Mabuhay tayong lahat! :)

13 Comments »

  1. [...] Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: Eksayted na Makapiling [...]

    Pingback by Munchkin Mommy » Blog Archive » LP #36: Eksayted (Excited) sa Disneyland — December 3, 2008 @ 12:56 pm

  2. Awww ka sweet ng ni Mimi at Abby! gusto ko yung last photo, haplos ni Abby face ni Mimi :)

    [Reply]

    Comment by Thess — December 3, 2008 @ 1:17 pm

  3. Ganyan din ang mga anak ko kapag darating ang lolo’t lola nila. Nakakatuwang panoorin ang relationship nila no? Very special talaga.

    Maligayang araw! Ito ang sa akin:
    http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/12/lp-ang-pagwawagi-at-eksayted-victory.html

    Joys last blog post..LP: Ang Pagwawagi at Eksayted (Victory & Excited)

    [Reply]

    Comment by Joy — December 3, 2008 @ 3:55 pm

  4. Awww, kakatuwa naman sila tingnan :)

    [Reply]

    Comment by julie — December 3, 2008 @ 6:01 pm

  5. nakakaantig damdamin ang post na to:)

    ganda rin ang kuha.
    bisita ka rin sa entry ko:)
    monkeymonitor.blogspot.com

    [Reply]

    Comment by tanchi — December 3, 2008 @ 8:36 pm

  6. Kapag sobrang na-miss talaga ang isang loved-one, parang laging kulang ang oras kapag kasama mo na sila.

    Ang aking LP entry ay naka-post dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!

    [Reply]

    Comment by ShutterHappyJenn — December 3, 2008 @ 8:47 pm

  7. cute naman nila..

    sweetytotss last blog post..Books and Coffee

    [Reply]

    Comment by sweetytots — December 3, 2008 @ 9:06 pm

  8. ang sweet naman nang reunion nila. :D

    Linnors last blog post..Litratong Pinoy: Excited!

    [Reply]

    Comment by Linnor — December 4, 2008 @ 12:19 am

  9. …wow ang sweet naman!! makikita mo talaga sa kanilang mata ang pagka excite sa isat isa..

    happy lp

    sana makadaan kadin sa aking lahok.

    [Reply]

    Comment by FamiliaKhuletz — December 4, 2008 @ 5:05 am

  10. Oo nga – exciting talaga makasama ang mga mahal sa buhay muli. :) Sana nga more than once kayong magkita ni Tita Emy next year!

    Pinkys last blog post..LP #36: Excited!

    [Reply]

    Comment by Pinky — December 4, 2008 @ 9:30 am

  11. aaawwww sarap naman…

    ako hindi nakaranas magka-lola

    kaya nakaka-inggit yung meron…kasi merong nagso-spoil sa kanila ahahahaha

    Happy LP!!!

    heto ang aking lahok–> http://eloiselei.blogspot.com/2008/12/lp36-eksayted.html

    Eloises last blog post..LP:36 Eksayted

    [Reply]

    Comment by Eloise — December 4, 2008 @ 10:23 pm

  12. ang sweet naman ng mga litrato. Siguro miss na miss na ni Abby ang kanyang Mimi

    Girlies last blog post..Is it Legal or Illegal?

    [Reply]

    Comment by Girlie — December 5, 2008 @ 6:23 am

  13. katutuwa pag may lola ka pa ako kasi wala na pareho ang lola ko…

    [Reply]

    Comment by nina — December 7, 2008 @ 2:09 am

RSS feed for comments on this post. TrackBack URL

Leave a comment

CommentLuv badge