December 2008
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Recent Posts

Categories

Archives

WifeSpeaks

Wifespeaks

My Playgrounds

My Feeds

website counter Add to Technorati Favorites Photoblogs - Top Blogs Philippines

Featured Blogger

Welcome Guests!

Meta

December 10, 2008

Napakalapit ng aking pamilya sa isa’t isa.  Dalawa lamang kaming magkapatid at mga bata pa nang maulila sa ama.  Hindi galing sa mayamang pamilya ang aking ina ngunit nagawa niyang bigyan kami ng aking kapatid ng mga mahahalagang regalo: mga bagay na hindi nabibili ng salapi at gayun din naman paminsan-minsan ang mga bagay na materyal.  Nang kami ng aking kapatid ay magkaroon na ng kani-kaniyang pamilya, naging daan lamang iyon upang lalo pang maging malapit ang aming pamilya sa isa’t isa at ang aming ina ang aming sentro.

Mahilig kaming magbakasyon nang sama-sama at kadalasan ay sa Tagaytay o Baguio kami napapadpad.  Ngunit noong 2005, pinalad kaming sama-samang makapagbakasyon sa ibang bansa.  Sampu kaming lahat at siyempre pa, sagot ng aming ina.  Hehehe. :)   Ang aming destinasyon?  Kuala Lumpur sa Malaysia!

Bago pa lamang noon ang Air Asia, tinaguriang budget airline.  Sa Macapagal Airport sa Clark, Pampanga nanggagaling ang mga biyahe mula Pilipinas papunta sa Malaysia.  At noong panahong kami’y nagbakasyon, wala pang limang libong piso ang pamasahe ng isang tao!  Talaga namang murang-mura!  Kung hindi ako nagkakamali, P3500 lang yata ang pamasahe ng bawat isa!


Masaya kaming naglibot sa Kuala Lumpur.  Pinuntahan siyempre namin ang Petronas Twin Towers na noong panahong iyon ay siya pang pinakamataas na mga gusali sa mundo.


Ang larawang ito ay kuha sa harap ng palasyo ng Hari.  Nagarkila lamang kami ng isang van at tsuper para kami’y ipagmaneho.  Ok na rin kahit hindi siya magaling na tour guide.  Haha.


Ito naman ay kuha sa isang templo.

Pangarap at dinadasal namin na sana’y sa labas ng Asya naman kami sama-samang makapagbakasyon sa susunod. At kami na ang manlilibre sa aming Ina! Marapat lamang na makabawi naman kami ng kaunti sa mga mahahalagang regalong ipinapaulan niya sa amin! :)

Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy DITO.

Mabuhay!

12 Comments »

  1. [...] Isang pang lahok para sa Litratong Pinoy:  Mahalagang Regalo ng Paglalakbay [...]

    Pingback by Munchkin Mommy » Blog Archive » LP #37: Mahalagang Regalo — December 10, 2008 @ 1:17 pm

  2. Kundi lang mahal e ang sarap talagang magbiyahe na kumpleto ang pamilya. :) Pangarap ko rin na mangyari ito kasama pati mga apo at tama ka – mas masarap pa nga siguro kung ang mga magulang naman natin ang mailibre natin! ;)

    Pinkys last blog post..LP #37: Mahalagang Regalo

    [Reply]

    Comment by Pinky — December 10, 2008 @ 3:02 pm

  3. huwaw! napakabait naman ni mimi..sagot nya lahat..
    ang sarap ng bakasyon nyong ito! paborito ko ang malaysia! malay mo, malay ko, malay nating lahat, malaysia! wala lang..(sorry, di ko mapigilan eh..);)

    dangs last blog post..What’s up?

    [Reply]

    Comment by dang — December 10, 2008 @ 3:59 pm

  4. nakaka-touch naman ang generosity ng mommy mo… wishing her good health para marami pa kayong pagkakataon na magsama-sama.

    Linnors last blog post..Litratong Pinoy: Mahalagang Regalo

    [Reply]

    Comment by Linnor — December 10, 2008 @ 5:56 pm

  5. Sana kaming pamilya ay makapag-bakasyon din sa isang lugar. Ang aming ina ay hindi kasi mahilig magbyahe.

    Ang aking lahok ay na-post dito. Sana makadaan ka. Happy Huwebes!

    ShutterHappyJenns last blog post..Mahalagang Regalo (Important Gift)

    [Reply]

    Comment by ShutterHappyJenn — December 10, 2008 @ 7:07 pm

  6. Godbless sa inyo:)
    keep8up
    maligayang LP;)
    nandito ang entry ko:

    http://asouthernshutter.com

    tanchis last blog post..Litratong Pinoy 7: Mahalagang Regalo

    [Reply]

    Comment by tanchi — December 10, 2008 @ 8:09 pm

  7. nice, ayos yun ah… masarap talaga magbaksyon ng sama sama… happy huwebes… :)

    linos last blog post..mahalagang regalo…

    [Reply]

    Comment by lino — December 10, 2008 @ 8:39 pm

  8. the best din na regalo ang pagmamahal ng isang ina, walang katumbas!

    Girlies last blog post..Mahalagang Regalo : 30th Litratong Pinoy

    [Reply]

    Comment by Girlie — December 10, 2008 @ 10:21 pm

  9. masarap talaga bumiyahe na kasama ang buong pamilya. at mas masarap kung libre..hehehe :)

    maligayang huwebes :)

    MAHALAGANG REGALO

    [Reply]

    Comment by cookie — December 10, 2008 @ 11:22 pm

  10. Ang saya-saya namn ng pamilya nyo! what a precious gift talaga!

    Agrings last blog post..Mahalagang Regalo

    [Reply]

    Comment by Agring — December 11, 2008 @ 11:48 am

  11. sana kami rin… kaso pito kaming magkakapatid e. hehehe! sarap naman ng bakasyon nyo.

    purpleseas last blog post..LP 37: Mahalagang Regalo

    [Reply]

    Comment by purplesea — December 11, 2008 @ 11:43 pm

  12. Ang nami-miss ko ay ang makasama muli ang mga kapatid at magulang ko…
    kahit saan. :-)

    Yan na homesick na naman haay…

    [Reply]

    Comment by iska — December 12, 2008 @ 3:06 am

RSS feed for comments on this post. TrackBack URL

Leave a comment

CommentLuv Enabled