May nakapagsabi sa akin noon na kapag bibisita sa unang pagkakataon sa isang simbahan, humiling daw ng tatlong mithi. Hindi ko alam kung gaano kalaganap ang paniniwalang ito sa Pilipinas. Ngunit totoo man ito o hindi, nakagawian ko na rin na sa tuwing makakabisita sa isang simbahan sa unang pagkakataon, humihiling ako ng tatlong espesyal na mithi.
Kaya naman laking tuwa ko noong mabiyayaan kami ng Diyos ng pagkakataong makapaglibot muli sa Europa noong 2006. Nakasama namin ng aking ina, ang aking asawa’t anak sa unang pagkakataon. Nagawa naming bumisita sa simbahan sa bawa’t bansang napuntahan namin. Parang Bisita Iglesia pero cross country! Ito ang aming mga napuntahan:

St. Peter’s Cathedral - Trier, Germany

St. Etienne Cathedral - Metz, France

St. Etienne Cathedral - Metz, France (ulit!)

Notre Dame Cathedral a.k.a. Cathedral of Our Lady of Luxembourg - Luxembourg, Luxembourg

St. Jan Church (church on the left with red tower) and Basilica of St. Servatius (center building)

St. Bartholomew’s Cathedral/The Emperor’s Cathedral (Der Kaiserdom) - Frankfurt, Germany

Ang aking asawa at ang 18 buwang gulang na si Abby, nagtitirik ng kandila.
Nakakatuwang isipin na bago pa man natin maiparating sa Diyos ang ating mga minimithi ay alam na niya kung ano ang mga ito. At kahit maaari tayong magdasal kahit saan at kahit ano mang oras, iba pa rin ang pagdarasal sa loog ng simbahan. Mas ramdam, hindi ba? :) Dalangin kong ibigay na ng Diyos ang tinuturing kong mga pinakamahala kong mga mithiin. Hangad kong pati ang iyong pinakamimithi ay ibigay Niya na rin.
May isa pa akong lahok sa LP DITO. Maligayang Huwebes!













