
May nakapagsabi sa akin noon na kapag bibisita sa unang pagkakataon sa isang simbahan, humiling daw ng tatlong mithi. Hindi ko alam kung gaano kalaganap ang paniniwalang ito sa Pilipinas. Ngunit totoo man ito o hindi, nakagawian ko na rin na sa tuwing makakabisita sa isang simbahan sa unang pagkakataon, humihiling ako ng tatlong espesyal na mithi.
Kaya naman laking tuwa ko noong mabiyayaan kami ng Diyos ng pagkakataong makapaglibot muli sa Europa noong 2006. Nakasama namin ng aking ina, ang aking asawa’t anak sa unang pagkakataon. Nagawa naming bumisita sa simbahan sa bawa’t bansang napuntahan namin. Parang Bisita Iglesia pero cross country! Ito ang aming mga napuntahan:

St. Peter’s Cathedral - Trier, Germany

St. Etienne Cathedral - Metz, France

St. Etienne Cathedral - Metz, France (ulit!)

Notre Dame Cathedral a.k.a. Cathedral of Our Lady of Luxembourg - Luxembourg, Luxembourg

St. Jan Church (church on the left with red tower) and Basilica of St. Servatius (center building)

St. Bartholomew’s Cathedral/The Emperor’s Cathedral (Der Kaiserdom) - Frankfurt, Germany

Ang aking asawa at ang 18 buwang gulang na si Abby, nagtitirik ng kandila.
Nakakatuwang isipin na bago pa man natin maiparating sa Diyos ang ating mga minimithi ay alam na niya kung ano ang mga ito. At kahit maaari tayong magdasal kahit saan at kahit ano mang oras, iba pa rin ang pagdarasal sa loog ng simbahan. Mas ramdam, hindi ba? :) Dalangin kong ibigay na ng Diyos ang tinuturing kong mga pinakamahala kong mga mithiin. Hangad kong pati ang iyong pinakamimithi ay ibigay Niya na rin.
May isa pa akong lahok sa LP DITO. Maligayang Huwebes!

Noong nakaraang Linggo, nagliwaliw ang aming pamilya sa Irving at Dallas (na naman!). Isa sa aming pinasyalan ang isa sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa Irving, ang Mustangs of Las Colinas. Ito ang pinakamalaking sculptures ng mga kabayo (mustangs) sa buong mundo, binubuo ng siyam na kabayong gawa sa bronze. Hindi ako nagaksaya ng panahon at nagkuha ako ng napakaraming litrato. Narito ang larawan ng aking mga paboritong kuhanan ang aking mag-ama kasama ang Mustangs ng Las Colinas.
Last weekend, we found ourselves in Irving and Dallas once again. One of the tourist attractions we visited was the Mustangs of Las Colinas. It is the biggest equestrian sculptures in the world…9 bronze sculptures of mustangs running across a granite stream. I didn’t waste any time and took lots of pictures. Here are pics of my favorite subjects, Hubby and Abby, with the mustangs of Las Colinas…and then some.









Ang isa ko pang lahok sa LP ay pagliliwaliw naman sa Palisades Park sa Santa Monica, California.
Happy Huwebes!

Believe me, Abby looks exactly like me when I was a little girl, and that is not something I merely imagined. :) I readily admit, however, that Abby is A LOT more beautiful than I ever was and ever will be.
Maniwala kayo, hindi ko kathang isip na magkamukha kami ng aking anak na si Abby. :D Si Abby ay AKO noong bata ako. Ngunit hindi ko ipagkakailang milya-milya ang layo ng ganda ng anak ko sa akin.

Here are TWO people who complete me: my daughter, Abby, and Hubby
Ito Ako at dalawa sa pinakaimportanteng parte o bahagi ko: ang aking anak na si Abby at ang aking kabiyak.

Narito sa isa ko pang lahok ANG KABUUAN KO. (Here is the whole of me, my other Litratong Pinoy entry.)

Hulyo 2006 nang pinalad kaming makapunta ng Guimaras noong magbakasyon sa Iloilo ang aming pamilya. Nakita namin ang kagandahan ng isla bago nito sinapit ang isang matinding ”oil spill” ilang linggo (o buwan?) matapos kaming bumisita.
It was in July 2006 when our family was blessed to have been given the chance for a short vacation in Ilolo and also visit the beautiful island of Guimaras. Not too long after our visit to the island, an oil spill left its waters unsuitable for swimming.

Heto si Abby, nagaabang ng alon… (Here’s Abby, waiting for the waves…)

Ayan na! Ay, natakot yata!… :D (Here it comes! Oops, she got scared!)

Sinong may sabing kailangan ng mamahaling laruan na pang-beach? Bote lang mineral water, ok na! (Who said one needs expensive toys for the beach when an empty water bottle will do the trick?)

Tawa pa lang ni Abby, sulit na ang biyahe! ;) (Abby had a lot of fun making the trip well worth it!)

Tayo na sa Ternate Cavite, ang isa ko pang lahok. (I have another entry HERE).

Isang magandang Huwebes sa inyong lahat! Dahil po sa aking pagliban sa pagsali sa LP noong nakaraang linggo, pagsasabayin ko na lamang sa lahok na ito ang mga temang “Luntian” at “Sa Gawing Kanluran”.
oOo
Lp #16: Luntian
Kapag napapagusapan ang mga bagay na luntian, hindi nakakpagtakang mga halaman ang unang pumapasok sa ating isipan. Ang mga sumusunod na larawan ay kuha mula sa San Antonio Botanical Garden noong Enero ng taong ito.


Pasensya na at hindi ko alam ang tawag sa mga ito. Hee hee.
oOo
LP #17: Sa Gawing Kanluran
Para sa temang “Sa Gawing Kanluran”, napili ko ang mga larawang ito ng isang scultpure na kuha sa Fort Worth, Texas. “Wild West” ang aking drama. Hee hee.
Ang lalaki sa larawan ay si Bill Pickett, kilala bilang “The First Bulldogger”. Siya ang nagimbento ng “bulldogging” o “steer wrestling”, isang sikat na rodeo event kung saan, sa madaling salita, ang isang tao ay nakikipagwrestling sa bull.


May isa pa akong lahok DITO.
Salamat sa inyong pagbisita! 


May isang yumao ng komedyanteng Pinoy ang sikat sa pagiging balingkinitan…sobra nga sa pagkabalingkinitan. Ang kaniyang screen name, “Palito”. :D
Ito ang isa sa aking dalawang lahok para sa LP sa linggong ito. ;) NARITO ang isa pa.
In the Philippines, there was once a comedian who was known for being skinny…overly skinny. His screen name translates to the english word “Toothpick”.
This is my second of two entries for this week’s Litratong Pinoy. The first one can be found HERE.
Enjoy the rest of the week!

Para sa temang “Tatak Pinoy” ng LP, hiniram ko ang isa kong akda sa aking food blog noong nakaraang Abril. Mga pagkaing pasalubong sa amin ng mga kamag-anak naming bumisita mula sa Pilipinas.
For this week’s “Tatak Pinoy” (The Filipino Seal) theme of Litratong Pinoy, I decided to “borrow” an April 2008 entry from my food blog. These are all food gifts from relatives who came to visit us from the Philippines.

Kastilang sardinas :D (Spanish sardines)

Dried Mangoes

Choc-Nut! Ang aking paborito! - tsokolateng gawa sa mani at gatas (My favorite! - peanut milk chocolate)

malutong na bawang tsips (crispy garlic chips)

mani na may malutong na bawang tsips (peanuts with crispy garlic chips)

Langit sa aking hapag kainan. Hahaha! (Heaven on my kitchen table.)
Mga gawang kamay naman ang isa ko pang lahok sa LP. Maligayang araw ng Huwebes sa inyo!
(My other LP entry is a showcase of handmade Phiippine productts. Happy Thursday to all of you! :))