February 2012
S M T W T F S
« Dec    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
26272829  

Recent Posts

Categories

Archives

WifeSpeaks

Wifespeaks

My Feeds

website counter Add to Technorati Favorites Photoblogs - Top Blogs Philippines

Welcome Guests!

Meta

March 18, 2009

Hindi ako nakasali sa LP noong nakaraang linggo kaya pagsasamahin ko na lamang ang tema noong isang linggo at ang tema para sa linggong. :)

(I wasn’t able to post an entry for LP last week.  I’ll just hit two themes with this one entry. :D )

LP #49: Blusa o Polo

Alam kong ang polong nasa isip ng karamihan ay iyong may kuwelyo at butones sa harapan.  Ngunit mas madaling kunan ang polong ito.  He he.  Hindi pa kailangang plantsahin. :)

(This is probably not the polo many have in mind…the ones with a collar and buttons on the front.  I just found it easier to take a photo of this “Polo”.  It saved me some ironing time.)

LP #50:  Paboritong Alahas

Ito naman ang aking mga paboritong alahas, ang aking engagement at wedding rings…

(These are my favorite jewelry pieces, my engagement and wedding rings…)

Nangangailangan na ng matinding linis.  Hee hee. :)

(They are in dire need of cleaning and I don’t think soap and warm water running over an undermount sink will do. :D )

Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy DITO.

Mabuhay!

March 4, 2009

Tatlo lamang ito sa mga bags na pagmamay-ari ng isang fashionistang naninirahan sa aming tahanan.  Hindi ako…hindi si Abby…kundi si…

…Barbie!  :D

Isa pang lahok para sa LP:  Mga Makabagong Bayong

Mabuhay!

February 25, 2009

Noong ika-13 ng Pebrero, nagkaroon ng bigayan ng mga munting regalo sa paaralan ng aking anak bilang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.  Nakatanggap siya ng mga kyut na kards, tsokolate, kendi at kung anu-ano pang mga maliliit na bagay na nakakapagpangiti sa mga bata.

Isa sa mga natanggap ni Abby ay ang bulaklak na ito na bigay sa kaniya ng kaniyang mga guro…

Last February 13th, there was an exchange of Valentine’s presents and cards at my daughter’s school.  My little girl received a lot of cute little cards, chocolates, candies and other small tokens of love.

One of the things my daughter received is this handmade flower given to her by her teachers…

Gawa ito sa construction paper, craft stick at ribbon.

This is made from construction paper, craft stick and ribbon.  I hope no Elm trees or any kind of tree for that matter, were harmed to make these crafting materials. Haha!

Isang bulaklak na hindi malalanta at magsisilbing munting ala-ala mula sa mga guro ni Abby. :)

This flower, which will not wilt, will be a wonderful remembrance from Abby’s teachers.

Isa pang lahok para sa Litratong PinoyMga Bulaklak na Nakakain

Mabuhay!

February 18, 2009

Sabi nila dapat daw ay nakikipagtipan ang mga magulang sa kanilang mga anak lalo na kung mahigit na sa isa ang mga supling.  Importante daw na mabigyan ng kani-kanilang panahon kasama ang kanilang mga magulang ang mga bata – “one-on-one bonding time” kung baga.  Hindi kinakailangang magastos ang mga tipanang ito.  Pagkain lang ng merienda sa Jollibbee ay sapat na!

Kapag umaalis ang aking kabiyak para magbiyahe, nagkakaroon kami ng pagkakataon ng aking anak na magkaroon ng “mother-daughter date”.

Experts say that it is important for moms and dads to have a mother-daughter, mother-son, father-daughter, or father-son date with each of their children.  It is important that parents have these one-on-one bonding time with their kids to better get to know them and so they’ll all feel especially loved. These dates need not be eleborate so it’s unnecessary to book a room at extended stay hotels.

Whenever my husband goes on a business trip, it is not uncommon for my daughter and I to go on a mother-daughter date.

my brunch date and me

Kuha ang litratong ito noon pang nakaraang taon gamit ang aking cellphone.  Ito pa ang isa…

These photos were taken last year using my cellphone…

phone cam pic

Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy“Group Date”

Mabuhay! :)

February 11, 2009

Binabati ko kayong lahat ng…

(I wish to greet all of you…)

(…Happy Valentine’s Day!)

Marahil ay may romantiko na kayong mga plano para sa inyong mga iniirog  sa darating na Sabado.  Hangad kong maging masaya ang inyong pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

(I’m guessing most of you already made some plans for a romantic day or evening with your beloved.  I wish you all have a “hearty” celebration.  Easy on the wine!  Be sure you’re still able to walk in linear motion and fit to drive at the end of the evening.  Enjoy!)

Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: Goody Bag Para sa Araw ng mga Puso

Mabuhay!

« Older PostsNewer Posts »